Tuesday, April 7, 2026

CBCP, hinimok ang mga simbahan na magsagawa ng special prayer vigil sa April 11 para sa kapayapaan ng mundo

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga simbahan sa buong bansa na magdaos ng prayer vigils para sa kapayapaan.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV noong Easter Sunday na magsagawa ng special prayer vigil para sa kapayapaan ng buong mundo sa gitna ng mga nagpapatuloy na kaguluhan.

Ayon kay CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera, hinihikayat niya ang lahat ng diocese na mag-organisa ng prayer vigil sa Sabado, April 11.

Kabilang sa maaaring gawin ang Eucharistic adoration, Santo Rosaryo, pagdaraos ng Holy Mass for peace at iba pang nararapat na liturgical at devotional gatherings.

Ang ganitong panalangin anila ay hindi lamang pakikiisa sa Santo Papa kundi pagpapakita ng sama-samang pag-asa na mananaig ang tunay na kapayapaan na nagmumula sa Panginoong Jesus.

Facebook Comments