CBCP, may panawagan sa harap ng patuloy na paglaganap ng korapsyon at kahirapan sa bansa

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalatayang Katoliko na patuloy na pag-alabin ang kanilang pag-asa sa kabila ng mga problema ng bansa.

Sa inilabas na pastoral letter na tinawag na “May Pag-asa Pa Ba?”, tinukoy ni CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David ang mga kasalukuyang problema gaya ng climate change, kahirapan, inflation, pagkalat ng disinformation, political dynasties, at kwestiyunableng adjustments sa National Budget.

Pero sa kabila ng mga pagsubok ay hinihikayat ni David ang mga Katoliko na huwag mawalan ng pag-asa lalo na ngayong ipinagdiriwang ng buong simbahan ang Jubilee Year ngayong 2025.

Hinikayat din ng CBCP president ang mga kabataan na manindigan para sa pagbabago at responsableng pamumuno para sa kinabukasan ng bansa at maprotektahan ang mga democratic institutions at mga proseso nito.

Sa huli, umaasa si Cardinal David na hindi mawawala ang pagpupursige ng marami na unahin ang para sa ikabubuti ng lahat laban sa mga personal na interes at hindi mapapagod ang mga Pilipino na kalingain ang mga nasa pinaka-nangangailangan.

Facebook Comments