
Inilabas na ng administration slate na Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang kanilang official advertisement para sa 2025 Midterm Elections.
Sumentro ang mensahe ng patalastas sa “Forward together” o sama samang pag-ulad ng bansa sa tulong ng mga senatorial candidates.
Kasama pa mismo sa patalastas ng 11 kandidato si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, bagama’t suportado pa rin ng administrasyon, hindi na isinama sa patalastas ang kapatid ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos na una nang umalis sa alyansa.
Target ni PBBM na makuha ng mga kandidato ng administrasyon ang 12-0 seats sa Senado sa halalan.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na ang mga napiling kandidato ay pinakamahusay, pinakamagagaling, at pinakamatibay hindi lamang sa eleksyon, maging sa serbisyo publiko.