Regional Development Council, muling binuhay ni Pangulong Marcos

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang uling pagbuhay sa Regional Development Council (RDC) para sa socio-economic development sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Sa bisa ng Executive Order No. 82, magiging parte ng RDC ang lahat ng gobernador, city at municipal mayors, at lahat ng provincial chapter president ng League of Municipalities.

Kasama rin dito ang mga regional head ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kinatawan ng private sector na pipiliin ng RDC, at maaari ding silang magtalaga ng special member.


Magiging mandato ng RDC ang pagpaplano, pagpapatupad, at pagsusuri ng mga programa at plano para sa pag-unlad ng isang rehiyon.

Sila rin ang magtataguyod at mangangasiwa sa pagpasok ng mga private investment sa isang rehiyon.

Samantala, si Pangulong Marcos naman ang magtatalaga ng Chairperson sa bawat RDC.

Pero kung ang magiging chairperson ay mula sa government sector, ang co-chairperson ay dapat na manggagaling sa pribadong sector at vice versa.

Pinapayagan ding magsumite ang RDC ng listahan ng mga nominado para sa konsiderasyon ng Pangulo.

Nitong nakalipas na linggo, una nang pinulong ni Pangulong Marcos ang RDC sa Central Visayas.

Facebook Comments