May nakahanda nang panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sakaling payagan na muli ang pagsasagawa ng public religious gatherings.
Ayon kay CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary, Father Jerome Secillano, ang kanilang guidelines ay naaayon sa health at safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa ilalim ng panuntunan, kinakailangang magsuot ng face mask ang lahat lalo na ang mga magsisimba.
Magpapatupad ng isa hanggang dalawang metrong social distancing, at footbath.
Ang mga pari na mangunguna sa misa ay hindi kailangang magsuot ng mask dahil mag-isa lamang ito sa altar, habang ang mga sakristan ay kailangan pa ring magsuot ng mask.
Ang mga magbabasa ay hindi gagamit ng iisang microphones.
Bago magbigay ng komuniyon, maglilinis ng kamay ang pari.
Gagamit naman ng mahahabang stick para koleksyon at offerings.
Wala pang desisyon ang IATF hinggil dito.