Naglabas ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa 2022 election.
Kasunod ito ng hiling ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maglabas ang CBCP ng “Prayer for 2022 Elections”.
Ayon kay CBCP President Archbishop Romulo Valles, ang dasal ay dapat bigkasin simula November 28, sa una at ikatlong linggo ng buwan.
Ang dasal aniya ay kapareho ng Oratio Imperata pero ito ay katutok sa 16 values na nakasaad sa preamble ng Konstitusyon.
Inirekomenda naman ng Episcopal Commission on Liturgy na basahin ang Oratio Imperata para sa COVID-19 bago magsimula ang misa.
Facebook Comments