Manila, Philippines – Hindi pa nakakarekober ang Simbahang katolika sa pagkamatay ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, nagpaabot na naman ng pakikiramay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanaw ni Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos sa edad na 74 anyos kagabi.
Ayon kay CBCP President Archbishop Socrates Villegas, pumanaw ang obispo kagabi ng 6:55.
Hindi malinaw kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Bishop Pueblos.
Si Bishop Pueblos ay ipinanganak noong March 8, 1943 sa Moto Sur Loon Bohol, naging obispo ng 32 taon at naging pari ng 49 taon at isa sa mga obispo na umaakusa sa mga kasamahan nito noon panahon ni dating pangulong Arroyo na gumamit ng mga magagara at mamahaling sasakyan na bahagi ng isinasagawang imbestigasyon noon 2011 sa Senado na umano’y maling paggamit ng pondo ng PCSO.
Ibinalik noon ng pitong obispo na nakatanggap ng mga magagarang sasakyan habang humingi naman ng public apology ang CBCP sa naturang insidente.