UST civil law dean Atty. Nilo Divina, dapat nang mag-leave of absence – Sandiganbayan Justice Oscar Herrera

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Civil Law Dean at ngayo’y Sandiganbayan Justice Oscar Herrera na may cover-up sa nangyayaring imbestigasyon sa pagkamatay ng UST freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Si Herrera ay dating naging Presidente ng UST Civil Law sa loob ng labing isang taon.

Giit ni Herrera dapat ay sa pamilya ni Castillo nakasuporta ang buong UST at hindi lamang sa iisang personalidad.


Dagdag pa ni Herrera, kung siya ang tatanungin ay dapat munang mag-leave of absence si kasalukuyang UST Civil Law Dean Nilo Divina upang mabigyang daan ang imbestigasyon bilang miyembro ito ng Aegis Juris Fraternity na nakapatay kay Atio.

Facebook Comments