CBCP, nanawagan ng dasal para kay Cardinal Tagle

500

Sa pamamagitan ng isang circular, nanawagan ng dasal ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) para kay Dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kardinal pagdating nito sa Pilipinas mula sa Roma.

Ayon kay CBCP acting president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, bagama’t asymptomatic, nananatili sa isolation facility si Cardinal Tagle bilang pagsunod sa health protocols.

Nabatid na umabot na sa lima ang bilang ng mga obispong dinapuan ng virus.

Facebook Comments