Manila, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na makibahagi sa observance ng earth hour sa March 25.
Sa inilabas na kalatas ng CBCP, mahalaga na alagaan at respetuhin din ang mundong ginagalawan hindi iyong palagi itong inaabuso sa paggamit.
Nakasaad pa rito na ang pagsali sa taunang earth hour ay malalaman ng bawat Filipino ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan.
Dagdag pa ng CBCP, ang earth hour ay isang paraan para magkaisa ang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nag-e-enjoy sa benepisyo ng elektrisidad, tubig at food source.
Ang earth hour ay sinimulan ng World Wide Fund for Nature noong 2007 na ang layon ay labanan ang climate change at mailigtas ang mundo.
Taon-taon palaging ang Pilipinas ang nangunguna na may pinakamaraming nakikilahok.