CCTV footage ng mall kung saan binaril si Pasay City Councilor Borbie Rivera, sisilipin na rin ng PNP

Manila, Philippines – Tinitingnan naman ng Las Piñas City police ang mga kuha ng CCTV ng SM Southmall kung saan binaril si Pasay City Councilor Borbie Rivera.
Ayon kay Las Piñas Chief of Police, Senior Supt. Marion Balonlong – hihilingin nila sa pamunuan ng mall ang kopya ng CCTV para makakuha ng lead kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa konsehal.
Kasama sa iimbestigahan ang mga security guard ng mall.
Sa paunang imbestigasyon, malapitang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang konsehal na nakasakay sa wheelchair sa labas ng mall.
Apat na bala ang tumama sa biktima kung saan ang isa ay sa ulo.
Idineklarang dead-on-arrival ang konsehal nang isugod ito sa ospital.

Facebook Comments