CCTV footage ng pagpaslang kay Gen. Tinio Mayor Ferdinand Bote, pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Task Force Group Bote ang CCTV footage kung saan makikita ang tatlong suspek sa pagtakas sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote sa Cabanatuan City.

Ayon kay Calabarzon Regional Director Chief Superintendent Edward Carranza, bahagi ng kanilang imbestigasyon ang CCTV footage ng pag-withdraw sa bangko at pagtakas ng mga suspek.

Maliban rito, tatlong motibo rin sinisilip nila sa pagpatay sa alkalde.


Paglilinaw naman ni Carranza, walang dead threat na natatanggap ang alkalde at hindi ito sanay na may mga kasamang security.

Sumailalim na rin aniya sa autopsy ang labi ni Bote.

Batay sa tala ng PNP, nasa siyam na alkalde na ang nasawi sa dalawang taon ng Duterte Administration.

Samantala, naglaan na ng P1 milyon na pabuya ang pamahalaang lokal ng Nueva Ecija para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagpatay kay Bote.

Facebook Comments