CCTV footages nang maganap ang pag-atake at panununog nang nag-iisang suspek sa Resorts World Manila, inilabas na ng mga otoridad

Manila, Philippines – Ipinakita na ng mga otoridad sa publiko ang bahagi ng footage mula sa kuha sa CCTV ng Resorts World Manila noong araw ng umatake ang nag-iisang suspek.
Sa isinagawang press conference sa Pasay City, humarap sina resorts World Manila Coo Stephen Reilly, NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, Wilfredo Kwan Tiu, Chief ng BFP-NCR, Resorts World Chief Security Officer Armeen Gomez at SPD Director Sr. Supt. Tomas Apolinario.
Ayon kay Albayalde, ito’y upang pawiin ang mga espikulasyon na may kasama ang hindi pa nakikilalang gunman nang pumasok ito sa Resorts World.
Sa naturang video ay makikitang solong dumating ang suspek na sakay ng taxi habang dala-dala ang mga bag na naglalaman ng armas at iba pang kagamitan kung saan nakita rin itong dumaan sa regular entrance at sumakay pa sa elevator.
Sinubukan din siyang harangin ng lady guard dahil sa pagsusuot ng bonnet at pagdadala ng armas, ngunit binalewala niya ito saka tumuloy-tuloy sa loob ng casino.
Kapansin-pansin din na tukoy nito ang mga lugar na kaniyang pupuntahan, katulad ng storage ng chips, kung saan binubuksan nito ang mga pintuan sa pamamagitan ng pagbaril.
Bitbit din niya ang gasolina at lighter na ginamit para mabilis na sunugin ang mga machine at lamesa sa pasugalan saka nagpahinga sa hagdanan ang suspek at iniwan ang dala nitong backpack.
Tinangka din ng suspek na tumakas pero dahil sa pagtugis ng mga pulis, napilitan itong umakyat sa 5th floor lobby at pinilit nitong pinasok ang room 510 sa pamamagitan ng pagbaril sa door knob.
Ilang saglit nito ay makikita ang suspek na lumabas pa at nagsunog ng tela sa lobby at kalaunan ay nakita ang bangkay ng supek na sunog na.
Sa huli sinabi pa ni Albyalde, nakausap na nila ang taxi driver na naghatid sa suspek kung saan sinabi nito na naisakay niya ang lalaki sa San Lazaro, Manila at foreign looking guy nga ito, ngunit sanay magsalita ng Filipino.
Kasalukuyan na ring inaalam ng pnp ang serial number ng mga baril na dala ng suspek para malaman ang pagkakakilanlan at kung nakarehistro sa kanya ang mga ito.
DZXL558

Facebook Comments