CDRRMO sa Cauayan City, Nakikiisa sa National Disaster Resilience Month!

Cauayan City, Isabela – Puspusan ngayon ang pakikiisa ng Cauayan City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO sa National Disaster Resilience Month bilang aktibidad ngayong buwan ng Hulyo kaugnay sa pagbabago ng panahon mula amihan sa habagat na nararanasan ngayon.

Ipinaliwanag ni ginoong Michael Cañero ang Operations and Warning Officer ng CDRRMO na ang pagbabago ng panahon mula habagat ay nagdudulot ng mainit na hangin na nagdadala naman ng malakas na ulan.

Dahil dito patuloy ang CDRRMO sa pamamahagi ng mga materyales ng International Electrotechnical Commission upang mapaangat ang kaalaman ng mamamayan sa lungsod ng Cauayan patungkol sa paghahanda sa panahon ng sakuna.


Idinagdag pa ni ginoong Cañero na patuloy ang pagsasagawa ng tree planting upang makatulong sa paghupa ng climate change at pagbaha na kadalasang nararanasan sa panahon ng tag-ulan.

Samantala masaya naman ang tanggapan ng CDRRMO dahil sa suporta at patuloy na partisipasyon ng mga barangay sa lungsod upang maiwasan ang anumang pangyayari sa hindi inaasahang sakuna.

Facebook Comments