Itinuturing nang episentro ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas ang Cebu City.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ito ay dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa syudad at pagdami ng mga namamatay na lubhang nakakabahala.
Aniya, humahanap na sila ng mas maraming isolation facilities para sa mga pasyenteng nagpositibo sa virus.
Dagdag pa ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, ibinase din ito sa mataas na severe at critical cases, kung saan sa loob ng 48 oras ay may namamatay na severe cases sa syudad.
Sa ngayon, mayroong 19 barangay ang kanilang binabantayan na ginagamitan pa ng drone at helicopter.
Facebook Comments