Civil Service Commission, may alok na 600,000 trabaho sa Setyembre

147

Maglulunsad ng malawakang online job fair ang Civil Service Commission (CSC) sa September 14 hanggang 18 katuwang ang iba’t ibang kumpanya.

Nasa 600,000 trabaho ang alok sa nasabing job fair kung saan maaaring mag-apply kahit nasa bahay lang ang aplikante.


Pwede ring mag-apply ang mga walang civil service registry.

Nanawagan si CSC Commissioner Aileen Lizada sa lahat ng government agencies na makiisa hanggang August 14 at ipagbigay-alam sa kanila ang mga bakanteng trabaho.

Bukod dito, nasa 40,000 job vacancies ang alok ng JobStreet.

Sabi naman ng Trabahanap, mataas ang demand para sa mga call center agents.

Kabilang din sa mga bakanteng trabaho ay sales, factory at production worker, driver at helper.




Facebook Comments