Celebrity stylist Fanny Serrano, nakaka-recover na sa stroke

25

Masayang ibinalita ni Megastar Sharon Cuneta na nakaka-recover na mula sa stroke ang sikat na make-up artist na si Fanny Serrano.

Sa kanyang Instagram, nag-post ang aktres ng litrato ni Serrano kung saan kinumpirma niyang nakauwi na ito ng bahay.


Nagpasalamat naman si Ate Shawie sa lahat ng nagdasal para sa kanyang kaibigan.

Nagbigay-puri rin siya sa Panginoon sa patuloy na paggawa ng milagro.

Marso nang kumpirmahin ng Megastar na naka-life support na si Serrano matapos makaranas ng “massive” stroke.

Facebook Comments