Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Alejo Lamsen, mayroong dalawang aktibidad ang nakalatag ngayon sa kanilang ahensya na kung saan nakasentro ang pagtatanim sa mababang lugar sa syudad ng Cauayan na madalas makaranas ng mga pagbaha.
Ilan sa mga tatamnan ay ang walong ektaryang lupain na pagmamay-ari ng gobyerno sa Barangay San Luis, at Eco-Tourism Park ng Barangay Gappal.
Dagdag pa niya na sa taong ito ay marami ang mga pribadong kumpanya na nakikipag-ugnayan sa kanilang opisina at inihahayag ang kanilang hangarin na magsagawa ng tree planting activities dito sa lungsod.
Samantala, upang patuloy umano at hindi maubusan ng mga punlang itatanim ang ahensya ay may ipinanukala ang city local government unit na kinakailangan munang mag donate ng kahit tig dalawang punla ang mga nagnanais na magpakasal.
Ngunit kung matagal ng nakikibahagi ang mga ito sa mga isinasagawang tree planting ng ahensya bago pa magpakasal, ay hindi na umano oobligahin pa ang mga ito na magbigay ng mga punla.