CAUAYAN CITY BANCHETTO, MAY SURPRESA UMANONG INIHAHANDA PARA SA MGA BIBISITA

Naghahanda at pinagpaplanuhan na umano ni City Economic Development Investment Promotion Officer, Michael John Delmendo Jr. katuwang ang alkalde ng lungsod na si Mayor Caesar Dy Jr., ang mga pasabog at sorpresa para sa mga CauayeƱong bibisita at makikisaya sa Banchetto.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Delmendo, ang nasabing pasabog ay siguradong magugustuhan umano lalo na ng mga CauayeƱo.

Maliban dito, tinatayang nasa 40 stalls ang mayroon ngayon sa Banchetto, mas marami umano ito kumpara noong nakaraang taon.

Kung kaya’y, mas malawak at mas madaming maaaring bisitahin ng mga nagnanais na pumunta sa nasabing pasyalan.

Ilan sa mga inaasahan na mayroon sa mga nasabing stalls ay iba’t ibang paninda katulad ng masasarap na pagkain, gamit, damit, at marami pang iba.

Ayon pa kay Delmendo, matapos ang dalawang taong pandemya na hindi gaano nakapagdiwang ang mga tao bunsod ng pag iral ng Covid-19, ay sinisiguro umano nila na mas magiging masaya at mas mararamdaman na ang tunay na pasko sa syudad ng Cauayan.

Kaugnay nito, patuloy parin na pinaalalahanan ni Delmendo ang publiko na bagaman gumaan na ang mga restrictions ay panatilihin parin ang pagsusuot ng facemask lalo na sa mga matataong lugar.

Facebook Comments