Manila, Philippines – Tiniyak ng Central Visayas Police Regional Office (PRO-7) na walang gagawing V-I-P treatment kay Bohol Provincial Board Member Niño Ray Boniel.
Si Niño Boniel ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang misis na si Bien Unido Mayor Gisela Boniel.
Sa interview ng RMN kay Sr/Supt. Jonathan Cabal, hepe ng PRO-7 intelligence division – sa regular na kulungan nakaditine ang nasabing board member.
Sinabi pa ni Cabal – maraming motibo ang inamin ni ginoong Boniel para ipapatay ang kanyang asawa.
Isinasantabi naman ng PRO-7 na may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpaslang kay Mayor Boniel.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanap sa katawan ng alkalde na lumubog sa karagatan.
DZXL558
Facebook Comments