Halos 200 katao, na-food poison sa Iraq

World – Umabot na sa halos 200 ang isinugod sa ospital matapos ma-food poison sa isang refugee camp, sa Iraq.

Sa ulat United Nations High Commissioner for Refugees, nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga biktima matapos ang ‘iftar’ o ang oras ng pagkain sa panahon ng Ramadan.
Patuloy na inaalam kung ano ang naging sanhi ng outbreak.
DZXL558

Facebook Comments