Ceremonial signing para sa panukalang SIM Registration Act at Barangay and SK Elections Postponement Act, isinagawa ng liderato ng Kamara at Senado

255

Pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang ceremonial signing ng enrolled bills ng SIM Registration Act at Barangay and Sangguniang Kabataan Elections Postponement Act.

Ginanap ito sa Manila Golf Club, sa Makati City ngayong umaga kung saan dumalo rin sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at sina Representatives Toby Tiangco, Marjorie Ann Teodoro at Juliet Marie Ferrer.

Present din sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader JV Ejercito at sina Senators Imee Marcos at Grace Poe.


Matapos nilang lagdaan ay ibinigay na nila ang enrolled bills kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro Mendoza na siyang magsusumite nito kay President Ferdinand Marcos Jr., para kanyang lagdaan at ganap nang maging batas.

Pinasalamatan naman ni Romualdez ang mga kasamahang mambabatas sa Mataas at Mababang Kapulungan kaugnay sa matagumpay na pagpasa sa naturang mga panukala.

Umaasa si Romualdez na mauulit muli ang ganitong mga kaganapan na nagpapakita ng maigting na pagtutulungan ng Senado at Kamara sa pagpasa ng mahalagang mga panukalang batas.



Facebook Comments