4 na Vietnamese, arestado sa Pag-asa Island

Arestado ang apat na Vietnamese habang nangingisda sa Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naaresto ang apat ng puwersa ng Philippine Navy at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG).

Nahuli sa akto ang apat na Vietnamese na nagsasagawa ng illegal fishing gamit ang sodium cyanide.


Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang fishing vessel ng naturang nga dayuhan.

Facebook Comments