Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang nakikitang matibay na basehan sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

23

Manila, Philippines – Walang nakikitang matibay na basehan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo para umusad ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Naniniwala rin si Panelo na isang uri lamang ito ng black propaganda laban sa administrasyong Duterte para sirain ang magandang nasimulan nito.

 

Minaliit din ni Panelo ang impeachment complaint na inihain kanina ni Magdalo Rep. Gary Alejano kung saan sinabi niyang hindi nito kayang sirain ang imahe ng Pangulo.

 

Ipinunto rin ni Panelo na bawat hakbang naman ni Pangulong Duterte ay naka-ayon sa Saligang Batas ng bansa.

Facebook Comments