Manila, Philippines – Tiwala si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na mababawi ng Pangulong Duterte ang mababang ratings nito ngayong 3rd quarter ng taon.
Naniniwala si Arroyo na hindi nangangahulugan na humina ang suporta ng publiko sa pagbagsak ng satisfaction ratings nito.
Aniya, sentimyento lamang sa polisiya ng Pangulo ang dahilan ng pagbaba ng ratings.
Dagdag pa ni Arroyo, ang pagtaas at pagbaba ng approval ratings ay normal lamang sa kabuuan ng termino ng isang Presidente.
Payo pa ni CGMA kay Duterte, ituloy lang ang trabaho dahil ang tungkulin ng isang Pangulo ay hindi ang gumawa ng mga popular na desisyon kundi kailangang nakabase ito sa kung ano ang makabubuti sa nakararami gaano man ito ka-unpopular.
Para kay Arroyo, blip o maliit lamang ang pagbagsak ng ratings ng Pangulo sa 3rd quarter ng taon lalo pa at isinagawa ang survey sa kasagsagan ng kontrobersiya sa extrajudicial killings.