Cha-Cha, malabong umusad sa huling termino ng Duterte Administration

Nagbabala si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na posibleng hindi umusad ang pagtalakay ng Kamara sa Charter Change (Cha-Cha).

Ayon kay Defensor, pumalya ang mga nagdaang pagtatangka na maitulak ang Cha-Cha dahil makailang beses na sinubukang talakayin ito kung kailan patapos na ang nakaupong administrasyon.

Hindi aniya malabong akusahan ng publiko ang mga mambabatas na gusto lamang mapalawig ang termino sa posisyon dahil inapura ang Cha-Cha sa huling bahagi na ng panunungkulan ng Duterte Administration.


Wala rin aniya sa timing ang Cha-Cha dahil humaharap pa ang bansa ngayon sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa maituturing silang ‘insensitive’ at arogante sa kalagayan ng mga naghihirap sa pandemya, ay makakaapekto rin ang pag-amyenda sa Saligang Batas sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.

Iginiit pa ni Defensor na ‘highly divisive’ ang Cha-Cha at maaaring mas lumala ang bansa dahil imbes na nakatutok sa pandemya ay mahahati rito ang atensyon, resources, logistics at manpower ng bansa.

Facebook Comments