Chairman ng Bids and Award Committee ng New Bilibid Prison, kinasuhan ng kurapsyon ng Ombudsman

Manila, Philippines – Kinasuhan ng kurapsyon sa Office of the Ombudsman ang Chairman ng Bids and Award Committee ng New Bilibid Prison.

Base sa 23 pahinang reklamo ni Atty. Alvin Navarro sinampahan nila ng kaso si Cynthia Andrada dahil sa pagbalewala nito sa Single Largest Contract, kahit hindi umano kwalipikadong bidder ay pinalusot ni Andrada ang ilegal na transaksyon.

Ipinunto rin ni Atty. Navarro na noong May 18, ilegal ay ipinagpaliban ni Andrada ang bidding, dahil na rin umano sa kanyang mga ilegal na hakbang.


Matatandaan nagkaroon ng Diareah sa loob ng NBP kung saan ay nilinis na ng Mang Kiko Catering Services ang naturang problema makaraang mapatunayan ng DOH sa pagsusuri na hindi dahil sa pagkain kung bakit nagkakasakit ang mga bilanggo kundi dahil sa inuming tubig.
DZXL558

Facebook Comments