Chairman ng Mindanao Affairs sa kongreso, ikinatuwa ang pagpabor ng Korte Suprema sa Martial Law

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Chairman ng Mindanao Affairs sa kongreso na si Cagayan de Oro 2nd District Representative Maxi Rodriguez ang pagpabor ng Korte Suprema sa Martial Law.

Sa pamamagitan umano nito matuldukan na ang usaping konstitusyonal sa ideneklarang batas militar.

Sinabi ni Rodriguez na noong nakaraang buwan pa ay nagpahayag na ng suporta sa Martial Law ang mga kongresista mula Mindanao.


Ipinaliwanag nito na sa 60 mga kongresista mula sa Mindanao dalawa lamang ang tutol sa deklarasyon ng Martial law.

Handa rin umano silang suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling kailangan pang i-extend ang ipinatupad na Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments