Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Armed forces of the Philippines kung bakit kaunti pa lamang ang mga personalidad na nahuhuli na kabilang sa arrest order na inilabas ng ng Department of National Defense.
Nabatid kasi na nasa mahigit 60 pa lamang na indibidwal ang nahuhuli ng miltar na kabilang sa arrest order sa halos 400 pangalan na kailangang hulihin ng pamahalaan dahil sa kasong rebelyon.
Ayon kay AFP Spokesman Bridadier General Restituto Padilla, maraming kalaban ang gobyerno sa Mindanao kaya hindi lang iisa ang operasyon na kanilang ginagawa.
Ginagawa naman aniya ng AFP ang lahat para mahuli ang mga kailangan arestuhin kaya nagpapatuloy parin hanggang sa ngayon ang ginagawang man hunt operation ng pamahalaan.
Sinabi din ni Padilla na ngayon ay nagtatago na ang mga ito pero naniniwala siya na nasa Mindanao parin ang karamihan sa mga ito dahil mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa maga pantalan airports at iba pang maaaring daanan ng mga ito.
Binigyang diin din naman ni Padilla na kahit wala sa Mindanao ang mga ito ay maaari paring agad arestohin ang dahil sa umiiral na arrest order na tumatayo ding bilang warrant of arrest.