Supplier ng droga sa Bacolod, arestado sa buy bust operation

223

Bacolod City – Arestado sa buy bust operation ang tinuturong supplier ng shabu sa Barangay 2, Bacolod City kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Micheal Pinoso alyas Boyboy Yawa, 22 anyos, ng nasabing lugar na kabilang sa street level target sang mga otoridad.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang apat na sachet ng suspected shabu at buy bust money.


Itinanggi naman ni Penoso na supplier ito ng droga pati na ang drogang nakuha sa kanyang posisyon, pero inamin naman nito ang siya ang nagsisilbing kolektor ng drug money.

Facebook Comments