Charge d’ Affaires ng Pilipina s – pinagpaliwanag ng European Union kaugnay sa mga pahayag ni Pangulong Duterte laban sa EU

Manila, Philippines – Ipinatawag ng European Union ang Charge d’ Affaires of the Philippines to the EU na si Alan Deniega.
 
Sa sulat na ipinadala ng European external action service, pinagpaliwanag si Deniega kaugnay sa mga hindi katanggap-tanggap na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Kamakailan kasi, sinabi ni Duterte na matutuwa siya na ibigti ang mga taga-EU na bumabatikos sa kanyang kampanya kontra droga at death penalty.
 
Matatandaan na nagbanta ang EU na i-atras ang zero tariff na ibinibigay sa mga produkto ng Pilipinas kung hindi matitigil ang madugong kampanya laban sa droga at binatikos rin nito ang pagpapanumbalik sa parusang kamatayan sa bansa.


Facebook Comments