South Cotabato, Philippines – Agad na nagsagawa ng checkpoint operations ang mga kapulisan sa lalawigan ng South Cotabato matapos ang deklarasyon ni Presidente Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Police Sr. Supt. Franklin Alvero, Police Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office na layunin ng pagpapatupad ng checkpoint ay upang masiguro na walang makapasok na armadong grupo sa lalawigan at maprotektahan din ang mga mamamayan.
Inutusan din nito ang mga chief of police sa lalawigan na mas pang higpitan ang seguridad sa mga vital installations sa kanilang nasasakupan.
Siniguro naman ng opisyal sa publiko na walang mangyayaring paglabag sa karapatang pantao sa deklarasyon ng martial law ng Pangulo sa Mindanao.
Nanawagan din si Alvero sa mga mamamayan ng lalawigan na manatiling kalmado at hindi matakot dahil naniniwala itong magkaiba ang martial law noon kaysa sa ngayon na deklarasyon ng Presidente.
DZXL558