Maritime student, patay sa sunog sa Bacolod kaninang madaling araw

Bacolod, Philippines – Patuloy pa na inaalam ng mga fire investigator ng Bacolod Bureau of Fire Protection kung ano ang naging sanhi ng sunog nangyari kaninang madaling araw na nagresulta sa kamatayan ng isang maritime student.

Ang sunog ay naganap pasado alas-4 kaninang madaling araw sa Eufemia Subd., Brgy. Taculing, Bacolod City sa bahay ng pagmamay-ari ng pamilya Hontiveros.

Ayon kay fire investigator SFO2 Archie Espanio na ang biktimang namatay ay si Mark Jason Hontiveros, isang third year Maritime student ng John B. Lacson Colleges Foundation.


Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay na-trap sa kitchen area ng bahay at posibleng nagtangka pa itong makalabas ng pero dahil sa suffocation hindi na ito kinaya ni Mark Jason.

Sa ngayon, isa sa tinitingnang pinagmulan ng sunog ay ang naiwang charger ng cellphone.
DZXL558

Facebook Comments