Umaapela si Commision on Higher Education (CHED) chair at University of the Philippines (UP) faculty member Prospero De Vera sa pamunuan ng UP na bigyan ng access ang lahat ng ahensya ng gubyerno na mag-iimbestiga umano ay onerous contract na pinasok ng UP at Ayala group of companies sa renta ng Up-Ayala TechnoHub sa Commonwealth Avenue Quezon City.
Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na isailalim sa review ang kontrata dahil sa umano ay 20-pesos lamang kada metriko kwadrado ang renta kada buwan ng ayala group of company sa 37-ektaryang lupain na pagmamay-ari ng gobyerno.
Ayon kay De Vera na dati ring umupo bilang Vice President for Public Affairs ng UP, dapat ay gawing accessible ng unibersidad ang lahat ng dokumento, sinumang empleyado at opisyales na may alam sa umano ay maanumalyang kontrata.
Sabi ni De Vera, pormal niya itong hihilingin sa nakatakdang meeting ng up board sa darating na pebrero a-tres.
Giit ni De Vera, suportado niya ang Pangulo sa usaping ito kaya at marapat din aniyang maglabas ng direktiba ang unibersidad na utusan ang lahat ng mga UP offices na magbigay ng full support para mabatid kung lugi ang gobyerno sa pinasok na kontrata 14-taon na ang nakalilipas.