Nagpalabas nang pahintulot ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga medical school na tanggapin ang mga estudyante kahit walang medical admission test na regular requirements bago makapasok.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, nagpasya ang CHED dahil ipinagpaliban ng Center for Educational Measurement (CEM) ang National Medical Admission Test (NMAT) noong Marso, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Isinaalang-alang din ng CHED ang panawagan at pag- alala ng mga magulang at mag-aaral kung paano magpapatuloy sa medical program na hindi kinakailangan ang admission test.
Base sa datos ng CEM, nasa 9,000 registered applicants na ang naitala para makakuha ng NMAT.
Dahil nakatakda nang magbukas ng klase ang Higher Education Institutions (HEIs) simula sa Agosto, pumayag na ang CHED upang mawala na ang alalahanin ng mga mag-aaral, magulang at iba’t ibang HEIs na nag-aalok ng medical education.