CHED, nagbabala sa publiko laban sa mga indibidwal na nasa likod ng scam sa libreng edukasyon ng gobyerno

Nagbabala ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga magulang at sa mga higher education institutions laban sa ilang indibidwal na nagpapakilalang mga opisyal o tauhan ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Ang UniFAST ay ang attached agency ng CHED na pangunahing nagpapatupad ng Free Higher Education at ng Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education law.

Ayon kay CHED Chairman at UniFAST Board Chairman Popoy de Vera, nakatanggap kasi ng mga sumbong ang CHED mula sa ilang eskwelahan na nilapitan ng mga scammer at nangangakong kayang pabilisin ang kanilang “UniFAST accreditation” upang makapag-avail ng mga benepisyo sa TES program.


Nagsagawa pa ng ceremonial awarding ang UniFAST certificates of accreditation ang mga scammer sa ilang member schools.

Mayroon pa umanong itong logo ng UniFAST at letterhead.

Gayunman, ayon kay De Vera, ito umano ay peke at walang pag-apruba ng UniFAST Secretariat.

Sumulpot ang scam sa harap ng nalalapit na Academic Year 2021-2022 kung saan may mga magulang at mga estudyante na desperadong makakuha ng applications para sa scholarships o makapag-avail ng financial aid para sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments