Chedeng, napanatili ang lakas habang patuloy na lumalapit sa Davao Occidental

Papalapit ng Davao Occidental area ang tropical depression Chedeng.

Huling namataan ang bagyo sa layong 135 kilometers silangan ng General Santos City.

Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.


Kumikilos ito kanluran – timog kanluran sa bilis na 25 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:

  • Davao Oriental
  • Compostela Valley
  • Davao del Sur
  • Davao City
  • General Santos City
  • Davao Occidental
  • Katimugang parte ng Davao del Norte (kasama ang Samal Island)
  • Silangang bahagi ng North Cotabato
  • Silangang bahagi ng South Cotabato
  • Silangang bahagi ng Sarangani
  • Silangang bahagi ng Sultan Kudarat

Anumang oras ngayong umaga ay inaasahang magla-landfall na ito sa Davao Occidental.

Kapag tumama na ito ng kalupaan ay inaasahang hihina na ito bilang isang Low Pressure Area (LPA).

Asahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao, partikular sa Surigao del Sur,  Agusan del Sur, Davao Region, Soccsksargen at bahagi ng Bangsamoro Region at Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments