Syria – Gustong paimbestigahan ni Iranian President Hassan Rouhani ang hinihinalang chemical weapons attack sa Syria.
Ayon kay Rouhani, ito ay para malaman kung saan nanggaling ang chemical weapon.
Inihayag naman ng iran na may military advisers at volunteers sila sa Syria pero itinangging mayroon silang conventional force sa ground.
Nagbabala rin si Rouhani na ang missile strike ng Estados Unidos ay lalo lamang nagpapalala ng ekstremismo at pagiging agresibo ng mga rebelde sa rehiyon.
Samantala, ikinondena rin ng North Korea ang nasabing missile strike ng US dahil anila, isa itong hindi kapata-patawad na gawain laban sa isang estado.
Nation”
Facebook Comments