CHEMICAL ATTACK | US President Donald Trump, magdedesisyon na kung ano ang magiging aksyon ng Amerika sa Syria

Amerika – Posibleng pagdesisyunan anumang oras ni United States President Donald Trump kung ano ang magiging tugon ng Amerika sa malagim na chemical attack sa Syria.

Ayon kay Trump, hindi na maaring maulit pa ang ganitong insidente at dapat managot ang mga responsable rito.

Naniniwala rin si Trump na may papel ang Russia sa nangyaring chemical attack at maituturing na responsibilidad ito ni Russian President Vladimir Putin.


Mariing itinanggi ng Russia at Syrian government ang pagkadadawit nila sa insidente at inaakusahan ang mga rebelde ng Douma sa pangyayari.

Facebook Comments