CHESS | WGM Frayna, top woman finisher sa 18th Sitges Chess Open sa Spain

Spain – Dahil nagtabla sa kanilang huling laro, nabigo si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at International Master John Marvin Miciano na makaangat sa ikalawang puwesto sa 44th Sitges International Open Chess Championships sa Espanya.

Naghati sa puntos si Frayna at Miciano pagkatapos ng 109 moves Kavalek Variation ng King’s Indian Defence.

Pero sa kabila nito, si Frayna ang tinanghal na best woman finisher at kampeon ng Category A sa kaniyang anim na puntos sa loob ng siyam na round.


Nakuha naman ni Miciano ang karangalan sa 18-under category sa kaniyang apat na panalo at apat na tabla.

Si Azerbaijan Super Grand Master Gadir Guseinov ang nagkampeon sa torneo.

Facebook Comments