Kinumpirma ng Chicago Bulls na ireretiro nila ang No. 1 Jersey ng former Most Valuable Player (MVP) nila na si Derrick Rose.
Si Rose ay 8 season na naglaro sa Bulls kung saan siya ay itinanghal noon na pinakabatang MVP sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA).
Nakuha si Rose bilang No. 1 Pick noong 2008 NBA draft kung saan nagwagi rin siya ng Rookie of the Year (ROY) at natanggap naman ang MVP award noong 2011.
Bago ang anunsiyo ng Bulls, nauna nang sinabi noon ni D. Rose na nais niyang makita ang kaniyang jersey sa rafters ng United Center na homecourt ng Bulls balang araw.
Matapos ma-trade sa New York Knicks noong 2016, wala nang Bulls player ang gumamit ng number one sa kanilang jersey.
Ibinigay ito ng Chicago kina Michael Carter-Williams at Anthony Morrow pero hindi rin ginamit dahil sa batikos na natanggap mula sa fans.
Sa buong career ni D. Rose, nakapagtala ito ng 12,573 points at 3,770 assists sa 723 games sa loob ng 15 na season.
Bukod sa Bulls, naglaro si Rose sa Knicks, Detroit Pistons, Minnesota Timberwolves, Cleveland Cavaliers at Memphis Grizzlies.