Wagi sa pamamagitan ng landslide vote si Yoshihide Suga, Chief Cabinet secretary ng Japan sa Liberal Democratic Party Presidential Election.
Ang nasabing election ay ginawa para makahanap ng kahalili ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na una nang idineklara sa pagbaba sa pwesto dahil sa kalusugan.
Si Suga ay nagwagi sa pitumpung porsyentong (70%) boto, dahilan para mahigitan ang dalawa pa nitong katunggali na sina Former Foreign Minister Fumio Kishida at Former Defense Minister Shigeru Ishiba.
Facebook Comments