CHIEF JUSTICE POST | Carpio, walang nakikitang dahilan para tanggihan ang automatic nomination

Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si Senior Associate Justice Antonio Carpio para tanggihan ang kaniyang automatic nomination sa pagkapunong mahistrado.

Ito ay kasunod na rin ng mababakanteng posisyon sa pagkapunong mahistrado dahil sa mandatory retirement ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro sa susunod na linggo.

Ayon kay Carpio, wala siyang nakikitang legal na balakid para tanggihan ang kaniyang nominasyon.


Una nang tinanggihan ni Carpio ang pagkapunong mahistrado matapos siyang bumotong ibasura ang quo warranto petition kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Maliban kay Carpio, kasama rin sa listahan sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano Del Castillo at Estela Perlas-Bernabe.

Facebook Comments