Chief Justice Sereno at Ombudsman Morales, nagpapagamit sa ilang political forces – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na nagpapagamit sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales sa political forces.

Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap na rin ng pakikipagbanggaan ni Pangulong Duterte sa dalawa, matapos sabihin ng Pangulo na tiwali si Sereno at ang pagpalag at pagbanat ni Pangulong Duterte kay Morales dahil sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa kanyang bank accounts.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapagamit sina Sereno at Morales sa mga political forces sa bansa para pabagsakin si Pangulong Duterte at ang kanyang administrasyon.


Sinabi din ni Abella na karapatan o prerogative ni Pangulong Duterte na ipanawagan ang pagpapababa sa posisyon nina Morales at Sereno at ang pagsama sa sarili sa mga baba sa posisyon ay isang istilo lamang aniya ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments