Chief nurse ng Mandaluyong Medical Center, kinitil ng COVID-19

Photos from Rep. Neptali Gonzales II's Facebook account

Nasawi sa giyera laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa na namang medical personnel mula sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng administrator ng Mandaluyong City Medical Center ang pagkamatay ng kanilang chief nurse na si Manny Pacheco.

Ayon kay Dr. Cesar Tutaan, pumanaw ang health worker pasado alas-2:40 ng hapon noong Miyerkoles, Abril 8.


Hindi raw matatawaran ang dedikasyon nito sa trabaho na nag-serbisyo sa nasabing ospital nang mahigit tatlong dekada.

Si Pacheco, 62, ay itinalagang chief nurse ng MCMC noong 2016.

Nasa 252 na medical workers na ang dinapuan ng nakakahawang sakit, batay sa huling tala ng Department of Health (DOH).

Sa naturang datos, 152 sa kanila ay mga doktor at 63 naman ang bilang ng mga nurse.

Bago sumapit ang semana santa, nabatid ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na 21 manggagamot ang kinitil ng COVID-19 sa buong bansa.

Facebook Comments