Chief of Police ng Carmen North Cotabato, patay sa hot pursuit operation

Patay ang Chief of Police ng Carmen Municipal Police Station sa North Cotabato matapos na mabaril sa ikinasang hot pursuit operation sa Poblacion, Carmen, Cotabato kaninang umaga.

Kinilala ang nasawi na si Police Major Joan Resurreccion.

Ayon kay Police Regional Office 12 Spokesperson Lt. Col. Lino Capellan, rumesponde ang opisyal kasama ang kanyang mga tauhan sa isang shooting incident sa Poblacion, Carmen, Cotabato kung saan isang foreign national ang namatay.


Sa ikinasang hot pursuit operation laban sa mga hindi pa nakikilang suspek sa may Quarry Site, Sitio Tawan-tawan, Poblacion, Carmen, Cotabato tinamaan ng bala ng baril si Resurreccion na agad isinugod sa ospital pero binawian din ng buhay.

Facebook Comments