Chief strategist ni US President Donald Trump, tinanggal sa pwesto

Amerika – Sinibak sa pwesto ang chief strategist ni President Donald Trump na si Steve Bannon.

Ayon kay White House Press Secretary Sarah Huckabee – nabigyan ng opsyon si Bannon na mag-resign o tuluyan itong paalisin.

Nilinaw naman nito na ang pagtanggal sa kaniya ay ipinaalam na maayos ni White House Chief of Staff John Kelly.


Usap-usapan ang pagtanggal kay Bannon dahil sa pagkontra nito sa pahayag ni Trump laban sa North Korea.

Facebook Comments