Dalawang opisyal ng Misamis Oriental, nakunan ng mga armas, bala at shabu sa magkaibang operasyon

240

Dalawang opisyal ng Misamis Oriental ang inaresto ng mga otoridad sa magkaibang operasyon matapos makunan ng mga armas, bala at druga.
Ang dating Board Member ng Misamis Oriental na si Richard Gepte, 48 anyos, may asawa at dati ring kapitan sa Barangay Mantangale , Balingoan, Misamis Oriental ang naaresto ng isilbi ang search warrant.
Nakuha mula sa kaniya ang iba’t-ibang klase ng armas, bala at shabu.
Naaresto si Gepte sa joint operation ng Provincial Drug Enforcement Unit, Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Public Safety Company at Balingoan Municipal Police Station.
Samantala isang kapitan naman ng Barangay Kauswagan, Lagonglong, Misamis Oriental ang naaresto sa drug buy bust operation ng PDEA Region kagabi.
Ang suspek ay nakilalang si Arnel Abecia na nakunan ng armas at shabu.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments