CHILDREN WITH SPECIAL NEEDS, NAG-ENJOY SA HYDROTHERAPY EXERCISES SA CALASIAO

Sa unang tingin, para lamang silang naglalaro at nagtatampisaw sa swimming pool, ngunit higit pa sa saya ang hatid ng isinagawang Hydrotherapy Exercises para sa mga batang may espesyal na pangangailangan sa bayan ng Calasiao.

Pinangunahan ng Calasiao Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC), katuwang ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Municipal Health Office (MHO), ang programa na naglalayong itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga children with special needs.

Bagama’t puno ng tawanan at kasiyahan, nakatuon ang aktibidad sa pagbibigay ng therapeutic benefits sa pamamagitan ng ligtas at epektibong water therapy.

Mahigit 30 bata ang masiglang lumahok, kung saan napatunayang nakatutulong ang hydrotherapy sa pagpapalakas ng mga kalamnan sa braso at binti, mahalaga para sa mas maayos na mobility.

Hindi lamang pisikal na aspeto ang natutugunan, kundi pati mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata.

Nagbibigay rin ito ng dagdag na kumpiyansa sa sarili, na mahalaga sa kanilang pang-araw-araw na pagharap sa mga hamon.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Calasiao na ipagpapatuloy ang ganitong uri ng programa bilang bahagi ng patuloy na healthcare support at inklusibong serbisyong panlipunan para sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments