Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang Children’s Park kasabay ng nalalapit nitong pagbubukas sa publiko.
Isinagawa ang inspeksyon upang masuri ang kaligtasan ng pasilidad para sa mga kabataan at pamilyang bibisita sa lugar.
Ayon sa ulat, pinagtuunan din ng pansin ang paglilinis at pagpapaganda ng pampublikong espasyo bilang paghahanda sa pagbubukas nito.
Layunin ng lokal na pamahalaan na gawing child-friendly ang naturang pasilidad upang maging ligtas at kaaya-ayang lugar para sa mga bata sa Mapandan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










